Saturday, December 4, 2010

The Dance Craze From Chooks-To-Go



Nagsimula na ang Chooks to Go, Sayaw Fever, ang pinakamalaking chicken dance competition sa Pilipinas mula sa Chooks to Go, ang pinakamasarap at juicy na roast chicken mula sa Bounty Fresh. Tumataginting na isang milyong piso ang naghihintay sa tatanghaling grand winner sa April 30 sa Cebu City.

“Natutuwa kami sa dami ng mga sumasali at sa pagtanggap na nakukuha namin ngayon pa lang. Excited kaming makita ang iba’t ibang estilo ng mga tao sa pagsayaw, mula sa iba’t ibang antas ng buhay,” sabi ni Dondi Alentajan, group marketing head ng Bounty Agro Ventures, Inc. “Nakakaaliw ang iba’t ibang interpretasyon nila ng Chooks-To-Go Dance at gusto pa naming makakita ng mga crazy at masasayang moves sa mga susunod na linggo.”



Iniimbitahan ang buong bansa na maki-chicken dance. Bukas ang contest sa lahat ng gustong sumubok ng kanilang galing sa pagsayaw nang official 90-second Chooks to Go jingle (i-download lang sa www.chooks1million.com). Hindi kailangang propesyonal dancer, mas kuwela, mas maganda. Bumuo lamang ng isang group na may apat (4) hanggang sampung (10) katao at abangan ang mga auditions sa lahat nang major cities nationwide.

Para sa kumpletong listahan at schedule nang mga screenings at contest mechanics bumisita lang sa www.chooks1million.com. Para sa Luzon contestants, maaring mag-inquire at magpa-register sa Greenlight Marketing Solutions and Events Company sa (02)470.3966, (02)470.4014 o mag-text sa 0922.535.9303, 0949.499.5306 at hanapin si Jonathan Dela Rosa o Jonas Zamora. Para sa mga taga-Visayas at Mindanao, tawagan ang Castro Creative Concepts sa (032) 233.5758, 0933.330.1190, o 0917.995.7703.
Share:

1 comment:

  1. meron ka bang kakaibang CHOOKSTORY?
    SALI na at MANALO ng CHOOKSHIRT at 10 OVEN ROASTED CHICKEN GIFT CHEQUES!

    Visit http://www.chookstogo.com.ph/story-of-the-week for more details. :)

    ReplyDelete

what are your thoughts on this? :)